Mukhang kailangan magpaliwanag ng mga caretaker ng Martial Law sa Mindanao.
Aba, sa panahon na may Martial Law at ginaganap ang plebesito ng BOL sa Mindnao, saka pa nakalusot ang mga bomber?!
Ano bang nangyari sa ating Armed Forces of the Philippines (AFP)?
Ang nasabi bang pagpapasabog ay hindi man lang na-intercept ng radar nina Secretary Delfin Lorenzana at Presidential Adviser Hermogenes Esperon?!
Wattafak!
E maliit pa pala sa ‘kulangot’ ang tingin ng mga terorista sa sa Martial Law sa Mindanao?!
Ganoon ba ‘yun?! Sana naman ay hindi.
Sana naman ay nalusutan lang talaga ang ating AFP.
Panahon na siguro para busisiin ang sinasabing Martial Law sa Mindanao.
Malaking sampal ‘yan sa mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Wala bang mga ulong gugulong?!
Just asking…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com