Thursday , December 26 2024

Marathon hearing tiniyak ni Legarda para sa 2019 budget

TINIYAK ni Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda na prayoridad ng senado sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw Lunes, 14 Enero, ang pagpasa sa lalong madaling panahon ng 2019 proposed nation­al budget na nabigong maiapasa noong Disyem­bre dahil sa umano’y kakapusan ng panahon kaya re-enacted ang budget ngayong buwan ng Enero.

Ayon kay Legarda, hindi niya sasayangin ang pagsasagawa ng mara­thon session para tiyaking maipasa bago matapos ang buwan ng Enero ang 2019 national budget.

Tiniyak ni Legarda, sa pagbubukas ng sesyon ay tatalakayin ang mga panukalang pondo ng mga sumususnod na ahensiya o kagawaran ng pamahalaan gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Tourism (DOT), Depart­ment of National Defense (DND), Department of Health (DOH), Bureau of Immigration, Com­mis­sion on Elections (COMELEC), Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA), Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Nais ni Legarda na matapos at mapagtibay ng senado ang panu­kalang budget hanggang sa 21 Enero nang sa gano­on ay makapagsagawa ng bicameral conference committee ang dalawang kapulungan at mapag­tibay ang iisang bersiyon sa 6 Pebrero, ang huling araw ng sesyon bago tulutyang magbakasayon uli ang mga mamba­batas.

“We aim to have the budget signed by the President by the second week of February,” ani Legarda.

Tiniyak ni Legarda na isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na pambanasang pondo ang pagtitibayin ng sena­do  para sa maayos na pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan at ma­isakatuparan ang lahat ng programa ng pama­halaan para sa pagpa­palago ng eko­nomiya lalo’t ito ay pawang hini­may isa-isa ng mga senador.

“While pressed for time, we will perform our duty to pass a budget that is geared towards our collective desire to provide our people with programs and services that would usher in personal growth, community development and national progress. We want to ensure that every peso from the people’s taxes go back to them through actual delivery of services and programs,” dagdag ni Legarda.

Samantala sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, walang dahilan ang pamahalaan para hindi ipagkaloob ang dagdag na suweldo sa mga manggagawa ng pamahalaan lalo’t mayroong sapat na pondo sa kabila ng re-enacted budget.

Iginiit ni Drilon na tanging si Pangulong Ro­drigo Duterte ang maka­pag-uutos kay Depart­ment of Budget and managment  (DBM) Secretary Benjamin Diokno na ilabas ang pondo para gamitin sa dagdag na sahod ng mga kawani. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *