Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

77-anyos stroke-patient na lola ginahasa ng hayok na kapitbahay

KATARUNGAN ang hinihingi ng pamilya ng isang matandang babae matapos gahasain ng kapitbahay sa Brgy. Pritil, Guiguinto, Bulacan.

Batay sa ulat ng Guiguinto police, ang sus­pek na kanilang inaresto ay kinilalang si Roque Maxie dela Cruz alyas Ogie, 44-anyos, na inire­klamo ng pangga­gahasa sa isang 77-anyos na lola.

Ayon sa pahayag ng biktima, naalimpungatan siya sa pagtulog nang maramdamang umangat ang kulambo sa kama at dito ay bumulaga sa kanyang harapan ang mukha ni alyas Ogie.

Dito na siya niyapos at pinaghahalikan ng suspek hanggang tuluyan na siyang mapagsa­man­talahan.

Nabatid na hindi na­ga­wang makapanlaban ng lola sa masamang ha­ngarin ng suspek dahil sa kahinaan dulot ng stroke.

Matapos makaraos ay pinagbantaan ng suspek ang lola upang walang masamang mang­yari ay huwag isusum­bong kanino man ng kanyang ginawa.

Ngunit hindi natigatig ang biktima sa banta ni alyas Ogie at sinabi sa anak ang panggagahasa sa kanya at nagsumbong sa pulisya kaya agad naaresto ang suspek bago nakalayo.

(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …