Kumbaga sa boksing, hindi pa nag-uumpisa ang bakbakan, hilahod na ang boxer.
Parang ganito ang nangyayari kay dating Presidential Political Affairs adviser, Francis Tolentino.
Hindi pa nag-uumpisa ang kampanya para sa senatorial race, e masikip na agad ang espasyo para sa kanya.
Nalulungkot tayo para kay Sir Francis Tolentino.
Mismong si Pangulong Duterte na nga ang nag-eendoso at nagtutulak sa kanya pero ayaw pa rin umakyat ang pangalan niya sa senatorial surveys.
Sana naman bago dumating at matapos ang kampanya para sa eleksiyon sa Mayo 2019 ay magbago ang kanyang ratings.
Anyway, malungkot man ang kahihinatnan ng inyong kampanya, makaaasa ka ng isang boto mula sa akin, Sir Francis.
Count me in — Sir Francis, on May 2019.
It’s one vote from me.
Pramis!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap