Monday , December 23 2024
fire sunog bombero

5 sugatan 200 pamilya nawalan ng tahanan (Sunog sa QC)

LIMA katao ang nasugatan habang 200 pamilya ang nawalan na tahanan sa naganap na sunog sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon  kay S/Supt. Jaime Ramirez, Quezon City fire marshal, dakong 11:30 pm nang sumiklab ang sunog sa Mauban at Dagot streets, Barangay Manresa, Quezon City.

Ayon sa report, sa ikalawang palapag na bahay ng isang Paquito Dahotoy nagsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa mga kalapit na bahay dahil dikit-dikit at pawang gawa sa kahoy at iba pang light material.

Umakyat sa ikalimang alarma ang sunog at nagtagal nang apat na oras. Dakong 3:30 am kina­bu­kasan nang maapula ng mga bombero ang sunog.

Inaalam pa ang dahilan ng sunog.

Sinabi ni Ramirez, isang fire volunteer at apat na residente na hindi pa tukoy ang mga pangalan nasugatan.

Pansamantalang kinakalinga sa covered at multi-purpose hall ng Brgy. Manresa ang mga residenteng nawalan ng tahanan.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *