HAYAN na, ipinatawag na ng mga Senador ang mga ahensiyang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagdagsa ng Chinese nationals sa bansa.
Dati, sa Binondo lang natin nakikita ang mga GI (Genuine Instik) dahil nandoon ang negosyo nila. Kapag nagawi sa Binondo, walang karapatang umangal kapag narinig silang maiingay sa kalsada, sa restaurant at sa iba pang area sa nasabing distrito.
Ngayon, nakagugulat, nakakasabay na rin sila sa mga mall, kahit sa mga Filipino restaurant at kahit sa ilang fastfoods.
Sabi nga, nandito na sila sa Filipinas, hindi bilang mga turista o investors kundi mga pangkaraniwang manggagawa o empleyado o construction workers.
Korek na may malaking tsek!
Maging ‘yung mga trabaho na nakalaan para sa mga Filipino ay pinapasukan na rin ngayon ng mga Chinese.
Maraming-marami sila lalo sa mga online casino, mga KTV bar, habang ‘yung iba ay ‘chemists’ ng ilegal na droga.
Siyempre, walang maisasagot ang mga opisyal ng DOLE at BI dahil ang alam nila ay ‘yung dokumentadong bilang ng mga Chinese nationals na nasa bansa.
Bakit hindi kaya subukang ipatawag ng Senado ‘yung dalawang notoryus na fixer sa BI Na sina Betty C. at Ana S.
Betty C. as in Chihuahua and Ana S. as in Sey.
Alam na alam po ‘yan ng mga taga-BI mismo pero hindi sila makakibo dahil protektado ang dalawang notoryus na fixer ng isang high-ranking official na kung tawagin ay ‘yellowtards.’
Ang nakatatawa pa rito, biglang rumerepeke ang isang Ms. Dana na nagpapakilalang spokesperson na normal daw ang pagdami ng Chinese nationals sa bansa dahil gumaganda ang ekonomiya ng bansa.
Hello?!
E hindi naman turista at investors ang nagdadatingan kundi mga overseas Chinese workers na nakapagtatakang dito nagtatrabaho gayong maraming industriya sa kanilang bansa.
At karamihan pa sa kanila ay walang ‘working permit.’
‘Yan ba ang maunlad, Ms. Dana?!
Paano nakapamamalagi sa bansa ang mga Chinese nationals na hindi naman legal?!
Hindi ba’t ang ibig sabihin lang niyan, may kumikitang mga ilegalista?!
Baka ‘yung ekonomiya ng mga fixer at protektor nilang ‘yellowtards’ ang gumaganda nila, hindi ang ekonomiya ng bansa.
Gets mo ba ‘yun Ms. Dana?!
Esep-esep din bago magsalita sa media.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap