NAALALA ba ninyo ang ginanap na FHM Boracay na dinayo ng marami nating kababayan at mga dayuhang turista?!
Yes, ‘yun nga! Ang sponsor ng FHM Boracay ay Crown Regency Hotel & Resort sa Boracay. At gaya ng Movenpick Resort & Spa Boracay, mayroon din silang casino.
Yes, PAGCOR chair, Madam Didi Domingo, may casino rin ang Crown Regency Hotel & Resort.
Alam mo rin ba ‘yan at naiulat mo rin ba kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?
Mukhang hindi, dahil naninindigan ang Pangulo na “Bawal ang casino sa Boracay!”
‘Yun lang, hindi niya alam na dati nang may mga casino sa Boracay.
Kahit na nga sabihin pang junket operation ‘yan at hindi mga Filipino ang naglalaro, casino pa rin ‘yan!
Sabi na sa iyo Madam Didi, unahin mo ang pag-iimbentaryo ng mga hotel & resort sa Boracay. ‘Yan ay para masiguro mong wala ngang casino at matutupad ang utos ng Pangulo na bawal ang casino sa Boracay!
Isantabi muna ninyo ag pagkembot-kembot sa ballroom Madam Didi at unahin muna ninyo ang pagtitiyak na walang casino sa Boracay.
‘Yun lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap