Wednesday , December 25 2024
supreme court sc

SC senior justices ikonsidera ni Duterte

NANAWAGAN ang House justice committee kay Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte na ikonsi­dera ang senior members ng Korte Suprema bago magtalaga ng bagong chief justice.

“I just hope the President will do the right thing in terms of the appointment by following the tradition. Kapag mayroong bypassing, ang mangyayari talaga magkakaroon ng conflict. Hopefully we will be able to avoid this,” ani Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House justice committee.

Ani Umali, miyembro ng Judicial and Bar Council na nagsusumite sa presidente ng short list ng mga kandidatong justices, bubusisiin nilang mabuti ang pagpili ng bagong chief justice.

Aniya, nangyari ang bypass sa senior justices noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Kaugnay nito, nanawagan din si Deputy Speaker at Bata­ngas Rep. Raneo Abu, sa publiko na respetohin ang desisyon ng Korte Suprema sa pagbasura sa petisyon ni Sereno.

Nauna rito naghain si Sereno ng petisyon na tingnan muli ng mga mahistrado ang kanilang desisyon na tanggalin siya sa puwesto bilang chief justice.

“Let’s be an advocates of sobriety by respecting the authority of the Supreme Court as the last bulwark of demo­cracy. Now after due process was given, it is time to move on,” ani Abu.

Para kay Isabela Rep. Rodol­fo “Rodito” Albano III ang ruling ay “expected and Sereno should not expect it will be overturned.”

Dahil dito ang impeachment complaint laban kay Sereno ay ibaba­sura na ng Mababang Kapu­lungan, ani Umali.

“The ruling renders the impeachment case against former Chief Justice Sereno moot and academic. The SC decision was expected and we will now archive her impeach­ment case in the plenary when we resume session,” ani Umali.

Pareho ang pananaw ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kay Umali.

Ang pagpapatalsik kay Sereno ay inihain ni Solicitor General Jose Calida na nagsa­bing invalid ang appointment kay Sereno.

“That was expected. Now I believe CJ should continue her battle in the legislative arena. I think she should join our LP senate slate,” ani Magdalo Rep. Gary Alejano.  (GERRY BALDO)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *