WALA ba talagang plano ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pagandahin at ayusin ang pasilidad ng Kalibo International Airport diyan sa Aklan habang sarado o non-operational pa ang kanilang international commercial flights?
Ang balita kasi, imbes modernization at improvement ang inaasikaso ngayon ng pamunuan ng CAAP ay biglang naging “martial arts” ang passion ng mga tao niya?!
Susmaryosep!
Aba totoo nga?!
Para raw mapawi ang kanilang nadaramang pagkainip ay nagko-conduct daw ngayon ng martial arts session ang mga taga-CAAP diyan sa loob mismo ng pasilidad ng kanilang airport!
Wattafak!?
Hindi kaya “zumba at ballroom dancing” naman ang maging kasunod niyan!?
Ano ba talaga ang pinaghahandaan nila?!
Mga turista o terorista??
Baka naman may planong pumasok sa showbiz ang ilan sa kanila?!
Bakit hindi na lang kaya magtulong-tulong ang mga taga-CAAP na linisin at pagandahin ang loob at labas ng airport kaysa “karate at kung fu” ang kanilang inaatupag!?
Baka kung kailan muling daragsa ang flights diyan saka magdadrama ‘este magpapakitang-tao na aligaga ang mga CAAP officials sa pagsasaayos ng estruktura?
Nanangkupo!
Eksena na rin noon ‘yan sa KIA!
Kung kailan nagkaroon ng spot inspection si CAAP DG Jim Sydiongco at mga taga-DOTr saka sila nagkukumahog na magkumpuni sa lugar!
Talaga naman o!
Hindi ba nga, nangyari na noon ‘yan?!
Kung hindi pa natin kinalampag sa ating kolum hindi pa magkakaroon ng kakarampot na improvement sa airport na ‘yan.
Wala pa raw badyet ayon sa kuwento ng ilan nating nakausap diyan sa KIA.
Huh? Ganern?!
E saan naman kaya napunta ang P700 terminal fee kada pasahero sa international departure at P200 per passenger sa domestic na kanilang nasingil noon?
Ang alam natin Kalibo airport ang may pinakamalaking singil sa terminal fee sa lahat ng airports sa Filipinas.
Considering na 3,000 hanggang 5,000 pasahero ang umaalis sa kanila araw-araw, so paano sasabihin na wala silang kinita?!
Tell that to the marines, guys!
So para mapakinabangan ng mga dumarayong turista sa lugar, na sigurado namang muling daragsa sa pagbubukas ng Bora, aba kumilos naman kayo ngayon habang wala pa kayong mga bisita!
Huwag pakaang-kaang at martial arts kuno ang inaatupag!
Omaygad!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap