Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Penis ng akusado sinukat sa indecency trial

SINUKAT ang penis ng isang lalaki sa New Zealand court­-house makaraan akusahan ng isang babae ng in­dencent assault at ibinigay na ebidensiya ang sukat ng kanyang ari, ayon sa ulat.

Si David Scott, elected councillor mula sa Kapiti, malapit sa Wellington,  ay nag-plead ng “not guilty” sa pagkiskis ng kanyang ari sa isang female council staffer sa isang function nitong nakaraang taon.

Sinabi ng babae na ang bagay na dumikit sa kanyang likod ay apat hanggang limang pulgada (10-12 centimeters) ang haba, ayon sa ulat ng stuff.co.nz news site.

Sa kakaibang hakbang, pinahintulutan ni Judge Peter Hobbs ang doktor ni Scott na dalhin ang 72-anyos akusado sa holding cell ng korte upang sukatin ang kanyang ari sa pamamagitan ng wooden ruler.

Gayonman, hindi pinahintulutan ni Hobbs na ilabas sa publiko ang resul­ta ng pagsusukat sa ari ng akusado, ayon sa ulat ng Radio New Zealand.

Bilang depensa ni Scott, iginiit niyang ang naram­daman ng complainant, na hindi binanggit ang panga­lan, ay kanyang wallet na hindi sinasadyang dumikit sa likod ng babae habang siya ay nagmamadali sa paglalakad.

Ngunit nanindigan ang complainant na ang bagay na idiniin sa kanyang likod ay hindi wallet, hindi cellphone o insulin kit, kundi isang ari ng lalaki.

(Agence France-Presse)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …