HINDI lang ilegal na droga, maging ang mga motoristang gumagamit ng wangwang ay isasailalim sa ‘tokhang’ ng Philippine National Police (PNP).
Ibig sabihin lahat ng mga may-ari ng mga sasakyan na may wangwang ay hinihikayat ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde na tanggalin na lang sa kanilang sasakyan o isuko sa pulisya.
Ang utos ni PNP chief Albayalde ay alinsunod sa utos ni Pangulong Digong na ituloy ang pagbabawal sa mapang-abusong paggamit ng wangwang.
Marami tayong nakikitang ganito lalo sa mga recreation and leisure area sa south Metro. Nakagugulat ang wangwang ng mga Hagad, ‘yun pala naka-escort lang sa mga casino player.
Tsk tsk tsk…
Pero sa mga emergency cases, hindi man lang natin makita ‘yang mga hagad na ‘yan. Talaga bang namimili lang sila ng pagseserbis-yohan?
Tama ‘yan, PNP chief DG Oca!
Dapat talagang putulan ng sungay ang mga abusadong wangwangero!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap