NGAYONG chairman na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si dating VACC chair Dante Jimenez, baka gusto niya ng buena manong trabaho na tiyak ikatutuwa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Inirerekomenda natin na imbestigahan niya ang isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na nagpapatayo ng isang building sa Tacloban, Leyte.
‘Yan daw pong ipinatatayong building ay hindi komersiyal kundi bahay.
Wattafak!
Ibang klase si LTFRB official, bahay lang pero building ang ipinagagawa. Maraming funds? Saan galing? Sa mga padulas ng mga papeles?
Ayon sa ilang empleyado ng LTFRB, madaling-madali lang umanong matutunton ni PACC Chair Jimenez ang nasabing Region IV-A official.
Dahil siya’y maaksiyon lalo kung may mga palusot na papeles, maingay at mayabang. Kaya nga nabisto na nagpapagawa siya ng gusaling bahay.
Magtulungan sila ng mga commissioners ng PACC na sina Gregorio Luis Contacto III, Greco Antonious Beda Belgica, at Rickson Chong.
Maliwanag ang layunin kung bakit itinatag sa bisa ng Executive Order (EO) 43, na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Oktubre 2017, para imbestigahan ang mga kasong administratibo laban sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan.
Puwede rin umanong isailalim ng PACC sa lifestyle check ang mga kawani at opisyal ng gobyerno na mayroong iregularidad at kakaibang sistema ng pamumuhay.
Sampolan n’yo na Chairman Jimenez ‘yang LTFRB official sa Region IV-A!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap