SA dinami-dami ng naging alkalde at elected officials ng Caloocan City, isang Mayor Oscar Malapitan lang pala ng makapagpapatayo ng sports complex sa makasaysayang lungsod na kilalang kinilusan ni Andres Bonifacio
Marami ang natuwa sa sports complex na may kabuuang 16,773 sqm lot na matatagpuan sa Bagumbong. Ito ay limang kilometro hilagang-silangan ng Novaliches at 10 km sa hilaga ng SM Fairview.
Ang sports complex ay binubuo ng dalawang covered basketball courts na may digital scoreboards, bleachers, ticketing office, mga locker room, movable floorings.
Magtatagpuan din sa complex ang isang semi-Olympic size, na may anim na lane swimming pool; 12 gazebos, open basketball at badminton court; at jogging path.
Ang sports complex ay naglalaman nang halos 2,500 katao.
Ang sports compound ay may sapat na parking space para sa mga manlalaro, mga mahilig sa sports, paradahan para sa mga bus, kotse, motorsiklo at probisyon para sa mga PWD.
Sa pasinaya ng sports complex, kasama ni Mayor Oca ang ibang opisyal ng lungsod, mga department head, empleyado, bisita, mag-aaral, at mga delegado mula sa sister-city Dong-Gu, Incheon, South Korea.
Kung hindi tayo nagkakamali, matagal nang pangarap ni Mayor Oca na magkaroon ng sports complex sa Caloocan.
“Ang pangarap ay isa na ngayong katotohanan. Ang sports complex na ito ay magsisilbing lugar ng pagsasanay para sa ating mga lokal na atleta at isang venue para sa iba’t ibang kompetisyon sa sports.”
Buena mano na palang nakapaglaro ng basketball ang Caloocan Supremos at celebrity basketball players na sinundan ng isang laban sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Elite Blackwater.
Congratulations, Mayor Oca!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap