Sunday , April 28 2024
nigerian arrest shabu PDEA lasala aquino
ARESTADO sa buy - bust operation ng PDEA-ROV ang dalawang African drug syndicate na sina Solomon Lewi Anochiwa, 34-anyos, ng Kawit, Cavite, at Desmond Chima Ozoma, 35, ng Parañaque City na iprinisinta nina PDEA director DG Aaron Aquino at Deputy Director for Operations chief Ruel Lasala sa mga mamamahayag kahapon. Nakompiska ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon. ( ALEX MENDOZA )

P5-M shabu kompiskado sa 2 Nigerian

ARESTADO ang dalawang Nigerian national makaraan makompiska-han ng P5-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Cavite, nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Solomon Lewi Anochiwa, 34-anyos, ng Kawit, Cavite, at Desmond Chima Ozoma, 35, ng Parañaque City.

Isang kilo ng hinihinalang shabu, P5 milyon ang halaga, ang naibenta ng dalawang suspek sa isang poseur buyer sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Camarines Sur, at Region 4-A, sa Centennial Road sa Kawit, Cavite.

ARESTADO sa buy – bust operation ng PDEA-ROV ang dalawang African drug syndicate na sina Solomon Lewi Anochiwa, 34-anyos, ng Kawit, Cavite, at Desmond Chima Ozoma, 35, ng Parañaque City na iprinisinta nina PDEA director DG Aaron Aquino at Deputy Director for Operations chief Ruel Lasala sa mga mamamahayag kahapon. Nakompiska ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon. ( ALEX MENDOZA )

Pinursige ng PDEA Camarines Sur ang pag-aresto sa dalawang Nigerian makaraan silang ikanta ng isa sa apat nahuli ng mga awtoridad na si Olivia Encinas sa isang buy-bust operation sa Almeda Highway, Naga City nitong 4 Nobyembre 2017.

Ayon umano kay Encinas, kabilang sina Anochiwa at Ozoma sa shabu suppliers na kanyang ibinebenta sa Bicol at Visayas region.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DRUG COURIER
NABUKING
SA CHECKPOINT
KALABOSO

INARESTO ang isang hi-nihinalang drug courier makaraan makompiska-han ng shabu at P350,000 cash sa checkpoint na inilatag ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station (PS-5), kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Tomas Nuñez, hepe ng PS 5, kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang suspek na si Bernhard Gagarin, 37, tricycle driver, residente sa 6-B Tiburcio Extension, Brgy. Krus Na Ligas, Quezon City, inaresto dakong 8:40 am sa Bristol St., Brgy. Greater Lagro sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman, sinita ng mga operatiba sa checkpoint ang suspek na lulan ng motorsiklo dahil walang suot na helmet ngunit walang naipakitang dokumento ng motorsiklo ang driver.

Nang inspeksiyonin ang dalang bag ng suspek, nakita ang sachet ng shabu at P350,000 cash.

Sa imbestigasyon, ina-min ng suspek na siya ay isang drug courier at ang dalang pera ay bayad sa droga na nakatakda ni-yang i-remit sa isang alyas Anok.

Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tinukoy na si Anok.

Napag-alaman din ng pulisya na si Gagarin ay isang drug surrenderee sa Brgy. Krus na Ligas.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *