Monday , December 23 2024

Hamon ni Binay: Mocha blogger ba o gov’t official?

HINAMON ni Senadora  Nancy Binay si Communications Assistant Secretary Mocha Uson na magdesisyon kung itutuloy ang pagiging opisyal ng gobyerno bilang assistant secretary o bumalik bilang full time blogger.

Ayon kay  Binay, may conflict ang mga pahayag ni Uson sa personal niyang opinyon sa kanyang blog at ang mga patakaran ng gobyerno, na kanyang kinabibilangan.

“It’s high time for you to decide kung gusto mo maging blogger or kung gusto mo maging Asec,” ani Binay.

Ngunit ang tugon ni Uson, kahit opisyal siya ng tanggapan ng gobyerno, hindi raw nawala ang kanyang karapatan na maglabas ng mga perso-nal na opinyon.

Kaugnay nito, naging mainit ang unang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umano’y pagkalat ng “fake news” o mga hindi totoong balita.

Dininig ng Senate committee on public information, na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe, ang kaugnay sa usapin ng “fairness” o patas na pagbabalita.

Sinabi ni Poe, obligasyon ni Mocha na sundin ang mga alituntunin sa paglalathala ng ano mang impormasyon, lalo’t isa siyang public servant na binibigyan ng suweldo mula sa buwis ng taongbayan.

Samantala, inungkat  ni Uson na may mga lumabas na report laban sa kanya ngunit hindi nakuha ang kanyang panig.

Ngunit, sumbat ni Senator Bam Aquino, marami ring ipinakalat na impormasyon si Uson ngunit kahit minsan ay hindi rin kinuha ang kanilang panig, mula sa minorya.

“Sa dami-dami ng mga blog mo tungkol sa ‘min dito, may isang beses ba na humingi ka ng side namin?” ani Aquino.

Depensa ni Uson, siya ay isa lamang “blogger” at hindi journalist at karapatan niya lamang na magpahayag ng kanyang sariling opinyon.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *