Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Koreano bigo sa suicide (Labi ipinasusunog at ipinasasaboy sa dagat)

ISINUGOD sa pagamutan ang isang Korean national makaraan magbaril sa sarili sa loob ng Manila Target Shooting Range sa HK Sun Plaza sa Pasay City, kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Seung Goo Shin, 49-anyos.

Sa pahayag ng empleyado ng naturang shooting range, na si Joe Bacli, nagbayad si Shin ng P3,000 para sa 60 rounds ng live ammunition.

Pagkaraan ay pumunta ang biktima sa Bay 6, at nagsimulang magpaputok.

Laking gulat  ni Bacli nang makitang naka-handusay na ang biktima.

Agad isinugod si Shin sa Adventist Medical Center upang malapatan ng lunas.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na walang foul play sa insidente makaraan makuha sa lugar ang suicide note ng biktima.
Nakasaad sa suicide note ng biktima na nais niyang sunugin ang kanyang labi at itapon sa dagat.

Ipinaalam na sa Korean Embassy ang nasabing insidente.

(JAJA GARCIA)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …