Thursday , June 4 2026

Aktres kuda nang kuda, pagiging malikot ang kamay, nauungkat

FOR a time in recent memory ay muling nabuhay sa kamalayan ng mga netizens ang existence ng aktres na ito.

Palasawsaw din kasi sa ilang usapin ang hitad, gayong hindi niya na-realize na sa kakakuda niya ay mabubutasan ang kanyang nakahihiyang nakaraan na sariwa pa sa ilang taong bistado ang kanyang katsipan.

Naiiritang sey ng isang taga-showbiz, “Hoy, magtigil nga ang babaeng ‘yan! Bakit hindi na lang siya bumalik sa pinanggalingan niyang bansa at magtrabaho muli bilang serbidora sa isang kainan? Baka ang gusto ng hitad na ‘yon, eh, magsilabasan ang kuwento tungkol sa pagiging matinggera niya?”

Umano, malikot ang kamay ng aktres na pati mga gamit (not the giveways) sa isang hotel na tinuluyan ay pinag-uuwi niya.

“Nakakahiya siya, ha? Pati mga bagay na hindi naman libre sa hotel, eh, isinaksak niya sa bagahe niya!” dagdag pa ng aming source.

Itago na lang natin ang aktres na itey sa alyas na Redgee Tonkatsu.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …