Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Aso naging multo tapos white lady

Good day sir,

S drim q may aso dw pero maya2 nagbago ito ng anyo, naging multo or parang white lady yata, ngtka aq kse akala q magiging aswang, ano po meaning ni2? Tnx dnt post my cp no po, call me Lady Taurus

To Lady Taurus,

Ang aso sa panaginip ay simbolo ng intuition, loyalty, generosity, protection, at fidelity. Ito ay nagsa-suggest na ang iyong strong values at good intentions ay magiging susi ng iyong pag-usad at tagumpay.

Alternatively, ito ay maaari rin namang nagsasaad ng ukol sa talentong iyong binabalewala o kinalimutan na. Sakali namang ang aso ay mabagsik at umuungol, ito ay nagpapakita ng ilang inner conflict sa iyong sarili.

Maaari naman na ang panaginip mo ay nagsasaad ng betrayal at untrustworthiness. Posible na ito ay nagpapakita na nawala o nawawala ang iyong kakayahan upang balansehin ang ilang aspeto ng iyong buhay. Maaaring ito ay bunsod ng iyong agam-agam upang harapin ang bagong sitwasyon o kaya naman, wala kang interes o kagustuhang umabante tungo sa iyong mithiin. Alternatively, maaaring ito ay sagisag ng disloyalty para sa ilang malalapit sa iyo na hindi mo pa pala talagang lubos na kilala.

Dapat mong pahalagahan ang malalapit sa iyo na may pakinabang ka at may mabuting naidudulot para sa iyong interes at kapakanan.

Hinggil sa multo o white lady, ito’y nagre-represent ng mga bagay na hindi na kayang makamit o maabot. Nagsasabi rin ito na pakiwari mo ay disconnected ka sa iyong buhay at lipunan. Suriin o isipin kung ano ang gusto o pakay ng multo o kung ano ang hinahanap nito. Maaaring ang ganitong bungang-tulog ay nagsasabi rin sa iyo na mag-move-on na at iwanan ang iyong outdated modes of thinking at pati ang pag-uugali.

Kung ang nakita naman ay sarili mong multo, ito ay simbolo ng aspekto ng sarili na iyong kinatatakutan. Maaaring may kaugnayan dito ang painful memory, guilt, or some repressed thoughts. Maaari rin namang nagsasaad ito ng takot sa kamatayan at dying. Kapag naman naging multo ka sa panaginip, nagsasabi ito ng pagiging desperado na takasan ang ilang mga sitwasyon sa buhay.

Kapag nakakita ng multo ng buhay pang kamag-anak o kaibigan, maaaring babala ito na may gagawin sila sa iyong hindi maganda. Kung makakita ng multo ng iyong kaibigan o relative na namayapa na sa panaginip mo, may kaugnayan ito sa guilt and regrets hinggil sa past relationships with that particular person. Kung ang multo naman sa panaginip ay gusto kang patayin, nagsasaad ito na handa ka nang harapin ang iyong past at repressed emotions, kahit na gaano pa ito kasakit. Handa ka nang mag-move-on sa iyong buhay at kalimutan na ang mga nakalipas. Kung ang multo ay sinasakal ka, ito ay nagsasaad na ang ilang mga pangyayari sa nakalipas ay humahadlang sa pagpapahayag mo nang maayos sa iyong sarili.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

DOST SOCCSKSARGEN DRRM RDRRMC XII

DOST XII RD Malawan and DRRM Focal Gain Awards during SOCCSKSARGEN DRRM Recognition Ceremony

The Regional Disaster Risk Reduction and Management Council XII, in partnership with the Office of …