Friday , November 22 2024

Bushfires sa Sta. Rosa, Laguna pinababayaan na ng realtor binabalewala pa ng local gov’t!

MALAKING panganib ang sinusuong ng mga motorista   na dumaraan sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna dahil sa bushfire na lumilikha ng makapal na usok at halos hindi na makita ang mga kasalubong na sasakyan. Panganib din sa kalusugan ng mga residente na maaaring magkaroon ng respiratory problem, sa nasabing siyudad na pinamumunuan ng actor/politician na si Mayor Dan Fernandez. (JSY)
MALAKING panganib ang sinusuong ng mga motorista na dumaraan sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna dahil sa bushfire na lumilikha ng makapal na usok at halos hindi na makita ang mga kasalubong na sasakyan. Panganib din sa kalusugan ng mga residente na maaaring magkaroon ng respiratory problem, sa nasabing siyudad na pinamumunuan ng actor/politician na si Mayor Dan Fernandez. (JSY)

Tila hindi nababahala ang local government ng Sta. Rosa, Laguna sa nagaganap na bushfire sa Greenfields at Nuvali area.

Kapag nagkaroon ng bushfire, matindi at makapal ang usok na nililikha niyan.

‘Yung kapal ng usok na halos hindi na magkita ang magkasalubong na sasakyan sa highway.

Umaabot na rin ang usok sa mga kabahayan sa loob ng iba’t ibang subdivision diyan sa area na ‘yan.

Kaya marami ang nagkakaroon ng asthma, ubo, sipon, at allergies.

Ayon sa mga residente sa area na ‘yan sa Sta. Rosa, ilang beses na nila itong inireklamo sa local government, pero mukhang binabalewala lang sila at nagkikibit-balikat ang tanggapan ni Mayor Dan ‘papogi’ Fernandez.

Ilan naman ang nagsasabi na mukhang ‘intentional’ ang bushfire dahil mayroong nakaabang na fire truck pero hindi naman umaaksiyon ‘yung fire truck.

Napapansin din umano ng mga mga residente sa mga subdivision sa nasabing lugar, pinalalabas na aksidente ang bushfire dahil ayaw gumastos para magbayad ng mga tagaputol.

Kung naagapan nga naman ang pagpuputol nito bago pa mag-tag-init ‘e tiyak na mababawasan ang pagsulpot ng bushfire.

Mayor Dan Fernandez, Sir, pakinggan mo naman ang hinaing ng constituents ninyo.

Kahit nasa loob ng subdivision ‘yang bushfire na ‘yan mayroong tungkulin ang local government na paalalahanan ang mga realtor na ang bushfire ay malaking banta sa kalusugan at pag-aari ng mga residente sa mga apektadong area.

Maliban na lang kung mayroon kayong ‘deal’ ng mga realtor? Mayroon ba?

Mayor Dan, huwag mo nang hintayin na may mangyari pang malaking disgrasya diyan sa lungsod ninyo bago kayo umaksiyon!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *