Monday , November 25 2024

Magandang pagbabago sa MPD Malate station (PS9) ni P/Supt. Roger Ramos

Kasalukuyang ipinatutupad ang pagbabago sa Manila Police District – Malate Station (PS9) sa pamumuno ni P/Supt Rogelio Ramos.

Noong mga nagdaang panahon kasi, kilalang-kilala ang presinto nuwebe bilang himpilan ng matatalim na pulis-Maynila cum bangketa boys, ilang matutulis na  kotong cops partikular sa checkpoints.

‘Yan ang mga trabaho noon ng mga pulis sa Malate area.

Mga salikwat na lakad ng mga pulis sa Malate ang tinututukan ngayon ng hepe ng PS-9 na seryoso sa kanyang ipinatutupad na pagbabago para tuluyang malinis ang kanilang imahen.

Batid kasi ng liderato nito na hindi maipatutupad ang tunay na kampanya kontra kriminalidad at droga kapag hindi nilinis ang sariling hanay.

‘Ika nga e kung nais magkaroon nang maayos at malinis na kapaligiran sa komunidad, dapat unahin muna ang sariling bakuran!

Korek ka riyan Kernel Ramos!!!

Ilang pasaway na pulis-Malate na ang sinibak ni Kernel Ramos partikular ang may record sa pambabangketa ng ilegal na droga maging ang mga pakaang-kaang o tatamad-tamad na kanyang mga tauhan.

Regular rin ang kanyang surprise visit o ins-pection sa kanyang mga PCP kaya ilang pulis ang nabuking na tutulog-tulog sa pansitan sa oras ng duty detail na agad rin niyang binigyan ng warning.

Minalas lang na natakasan ng dalawang preso kamakailan pero nasubukan ang opisyal at kanyang mga tauhan na malalim ang intel network kaya nadakip agad ang isa sa nakatakas na preso, habang ang isa pa ay patuloy na tinutugis sa pinagtataguan nito.

Kudos Kernel Ramos at sa iyong mga tauhan!

Keep up the good work!

NAKIKIUSAP
KAY MAYOR ERAP
AT DIR. ALCOREZA

HI, nais ko lang po sana humingi ng tulong manawagan kay Mayor Erap at sa MTPB director na si Dennis Alcoreza na sana kami ay pasahurin na dahil marami kaming batch 4 sa MTPB ang hindi pa rin sumasahod simula Sept 2016 hanggang ngayon, ang sinasabi lamang po sa amin ay wala pa kaming plantilla kaya hindi pa kami pinasasahod ngunit sobra na po dahil simula last year wala kaming nakuha na kahit ano sa pinagtrabahuan namin. Kami pong nagtatrabaho nang maayos hindi namin makuha ang sahod ngunit maraming J.O. din sa MTPB ang nagkakapera dahil sa pagpi-fixer na ginagawa nila. Sana po mabigyan po ng pansin ang aking panawagan kay Mayor Erap at Director Dennis Alcoreza. Maraming Salamat po! Pauunahin daw po nilang pasahurin muna ang Jan-March 2017, sana po mauna munang pasahurin ang batch 4 Sept-Dec 2016 bago ang 2017. Nawa’y makarating ito kina Mayor Erap at Dennis Alcoreza at sana ito rin ay maibalita. Maraming salamat po!

[email protected]

IDINI-DELAY OT PAY
NG AIRPORT EMPLOYEE

GOOD am sir Jerry, paki-relay info kay GM Monreal na laging delay overtime pay namin ng 2-3 araw kahit may memo cya na i-release every 20th of the month. Sinasadya ‘yan ng sindikato ng 5/6 sa finance at cashier para umutang sa kanila. – Concerned airport employee lng po. Pls hide my number.

+63918449 – – – –

REACTION SA TOKHANG

BAKIT ho ang PDEA at ang NBI sa mga ginawa nilang mga raid sa mga drug pusher/usher ay walang lumaban sa kanila na gamit ang paltik na .38 pero sa PNP libo-libo ang napatay nila na paltik na .38 ang gamit ng pinatay nila. At pare-pareho ng ilang piraso ng shabu ang nakukuha sa bulsa ng pinapatay nila na mahihirap na usher at pusher ng shabu. Ibinalik na naman ang Katok Tokhang. ‘Yun na naman ang sasabihin ng mga pulis, nanlaban gamit ang .38 na paltik kaya nila pinatay.

+63933340 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *