Tuesday , March 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Goitia bagong PRRC director (Itinalaga ni Duterte)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si PDP-Laban San Juan City President Jose Antonio Goitia bilang bagong Executive Director ng Pasig River Rehabilitation  Commission (PRRC), isang ahensiyang nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nagtapos ng Master of Public Administration sa University of the Philippines, si Goitia ang vice chairman for membership and international Overseas Filipino Workers (OFWs) ng PDP Laban bukod pa sa pagiging PDP Laban National Capitol Region (NCR) membership Chairman, Head Policy Studies Group NCR at miyembro ng Business and Finance Committee ng partido.

Si Goitia ang awtorisadong kinatawan ng China Construction at China Railways sa ating bansa kaya napili ni Duterte na italaga sa PRRC sa malawak na koneksiyon sa mga dayuhang maaaring tumulong sa pagpapaunlad ng bansa lalo sa rehabilitasyon ng Pasig River.

Ayon kay Goitia, sinusuportahan niya ang misyon ni Sec. Lopez na ma-rehabilitate ang kalidad ng tubig sa Pasig River sa Class C na mabubuhay ang mga isda at maaaring magamit ang ilog sa lubos na transportasyon at secondary recreation tulad ng pamamangka.

“Kailangan talagang buhayin natin ang Pasig River na matingkad na bahagi ng ating kasaysayan at kaunlaran,” ani Goitia na opisyal din ng Hugpong Federal Movement of the Philippines. “Kaya nating buhayin ang Pasig River upang maipakita sa buong mundo ang bagong uri ng pamumuhay sa kalunsuran na may malasakit sa kapaligiran.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Pink Sisters

Kapayapaang Espiritwal sa Pink Sisters

ni Teddy Brul ISA sa mga pinakatahimik at sagradong destinasyon ng mga deboto ngayong Semana …

Martin Romualdez Marty Romualdez

‘Selfie Diplomacy’
Congressman Romualdez at Councilor Marty, naghatid ng ‘Asikaso’ sa Leyte District Visit

TACLOBAN CITY — Hindi lang basta inspeksiyon ng mga proyekto ang naganap, kundi isang masayang …

Rodolfo Ompong Tan Neil Clark Ongchangco

Kilalang Baguio citizen, photojourn patay sa trahedya sa ilog

BAGUIO CITY — Kilala sa kanyang mga kuhang retrato, si Rodolfo “Ompong” Tan, isang prominenteng …

Gun Fire

Sa Catbalogan, Samar  
Holdapan sa bus terminal nauwi sa barilan 1 patay, 1 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang isang suspek, habang sugatan ang isa pa nang mauwi sa barilan …