Thursday , June 4 2026

Truck helper naipit sa van at pader todas

PATAY ang isang 22-anyos truck helper makaraan maipit sa pagitan ng van at konkretong pader nang biglang umatras ang nasabing sasakyan na kanilang itinutulak kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Reynaldo Quirao ng LRT Landasca St., Caloocan City.

Ayon kay  PO2 Joseph Provido, dakong 10:50 pm nang maganap ang insidente sa loob ng compound ng Pipe Bee Corp. sa 1 Guillermo St., Brgy. San Rafael Village sa nasabing lungsod.

Napag-alaman, tumulong si Quirao sa pagtulak ng aluminum van (AKS-339) na minamaneho ni Margaripo Lopez, Jr., 49, nang bigla itong umatras naging dahilan upang maipit ang biktima sa pagitan ng nasabing sasakyan at pader. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …