KORONADAL CITY – Ikinaalarma ng mga residente ang magkasunod na pagpapakamatay ng magtiyahin sa lungsod ng Tacurong sa Sultan Kudarat.
Base sa impormasyon, kinilala ang biktimang si Marilyn Magapan Sabarillo, 48, may asawa at residente ng Brgy. Upper Katunggal sa nasabing lungsod.
Sinasabing dumanas siya nang matinding dep-resyon kaya’t naisipang magpakamatay sa pa-mamagitan ng pag-inom ng lason.
Agad siyang nadala sa bahay pagamutan at masuwerteng naagapan.
Samantala, sa hindi inaasahan, sinundan ng kanyang pamangkin ang tangkang pagpapakamatay.
Kinilala ang pa-mangkin na si alyas Nene, 17, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti.
Nagpaalam lamang ang biktima na pupunta sa palikuran ngunit nang madatnan ng mga kasama ay nakabigti na at wala nang buhay.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa magkasunod na insidente.