HINDI na dapat pakialaman ni Aljur Abrenica kung ano ang nangyari kina Kylie Padilla at Julian Trono.
Kung hindi man nakatutuwa ang nangyari at ginawa umano ni Julian, hindi na rin niya dapat itong panghimasukan.
Part‘yun ng nakaraan ni Kylie kaya wala siyang karapatan na komprontahin pa si Julian. Tama siya, wala siya talaga sa lugar.
Tanong nga ng netizens….bakit hindi rin ba umiyak si Kylie kay Aljur noong magkarelasyon sila?
Ibaon na nila sa limot kung anuman ang isinumbong sa kanya ng ni Kylie tungkol kay Julian. Mag-move –on na sila. Tutal, kailangan ng magandang simula sa pagkakabalikan nila.
Tandaan din ni Aljur na minor si Julian na umano’y pinatulan at nakipagrelasyon si Kylie. Mas matanda si Kylie kaya siya talaga ang nagdala ng relasyon nila ni Julian. Kung hindi man ito nag-work, i-consider na lang ito na na parte ng karanasan sa buhay. ‘Di ba?
TALBOG – Roldan Castro