Sunday , November 24 2024

Illegal terminal, illegal vendors at kolorums ayaw ni MMDA Chair Tim Orbos

NAKASUSUYANG trapiko ng mga sasakyan ang hahanapan ng solusyon ng bagong chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA) na si Thomas “Tim” Orbos.

Inuumpisahan niya ito sa pamamagitan ng pag-oobserba sa iba’t ibang traffic scheme na ipinatutupad ng local government units (LGUs), una nga sa Pasig City.

Sisikapin din daw niyang tanggalin ang lahat ng obstruction sa lansangan gaya ng illegal vendors, illegal terminals, illegal markets, at colorums.

Alam nating hindi ganoon kadaling solusyonan ang nakasusuyang trapiko sa Metro Manila.

Pero kung mayroong determination and political will si Tim Orbos, gaya ng ating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi malayong mabawasan ang nakasusuyang trapiko kung hindi man malutas nang 100 percent.

Isa sa mga dapat unahin ni Chairman Tim ang sinasabi niyang paglilinis ng mga illegal vendor, illegal parking at colorum vans.

Pananagutin din umano niya ang mga barangay chairperson and officials na nagmamantina o patong sa illegal terminals, colorums, at illegal vendors.

Aba, nang sabihin  ni Chairman Orbos ‘yan ‘e  marami ang natuwa.

Mukhang sa tingin umano nila ay hindi bolero si Chairman Tim. Bakas din umano ang determinasyon at political will.

Magandang indikasyon ‘yan, Chairman Tim!

Baka gusto ninyong maging buena mano ang matigas pa sa natuyong ebak na barangay chairman na itinuturing  na protector, tongpats at kolektong ng illegal terminal, mga kolorum na van  at illegal vendors diyan sa Lawton.

Kapag ‘yan ang napatiklop ni MMDA Chair Tim Orbos, tiyak na magdiriwang ang buong Metro Manila hanggang sa mga karatig lalawigan dahil malaking kaluwagan ‘yan sa lansangan.

Alam natin na nagkukumahog na sa pag-areglo ang ilegalistang taga-Lawton sa MMDA pero naniniwala tayo sa determination at political will ni Chairman Tim.

Chairman Tim, isang pogi points nga riyan kontra Lawton illegal terminal?!

‘Yan lang Chairman Tim, establisado agad ang kredebilidad ninyo…

Go Chairman Tim Orbos, linisin ang Plaza Lawton!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *