PATAY ang dalawang lalaking hindi pa nakikilala makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet kahapon ng madaling araw sa Brgy. Sauyo, Quezon City.
Sa ulat ng Anti-Carnapping Unit kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang lalaking hinihinalang karnaper.
Ayon ulat, dakong 1:30 am naganap ang insidente habang nagpapatupad ng Oplan Sita ang Ancar sa pangunguna ni Sr. Insp. Manuel Dela Cruz sa Sauyo Road, Brgy. Sauyo.
( ALMAR DANGUILAN )