Thursday , June 4 2026
dead gun police

Kapitana, anak patay sa ambush 2 sugatan

TACLOBAN CITY – Patay ang isang barangay kapitana at kanyang anak habang dalawa pa ang sugatan makaraan pagbabarilin sa Brgy. Guinbaoyan Norte, Calbayog City, Samar kamakalawa.

Ayon sa report ng Samar Provincial Police Office, kinilala ang mga namatay na si Barangay Kapitana Estrella Ollado, 56, at ang anak niyang si Ismael Ollado, 30, kapwa ng nasabing lugar.

Habang sugatan sina Esmeraldo Ollado, 60, residente ng Brgy. Guinbaoyan Norte, Calbayog City, Samar; at Erika Rollo, 16, high school student, residente ng P2, Brgy. Guinbaoyan Norte, Calbayog City, Samar.

Ayon kay Supt. Marlon Quimno, hepe ng Calbayog City, lulan ng tricycle ang mag-anak nang bigla silang pagbabarilin ng suspek na si Rogelio Salvame alyas Potpot, nasa hustong gulang, taga-Calbayog, kasama ang tatlong iba pa.

Bunsod nang pinaigting na hot pursuit operation ng pulisya ay agad nahuli si Salvame habang pinaghahanap pa ang tatlo niyang kasama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …