Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, mahilig ‘mag-grocery’ sa bahay na pinupuntahan

BEWARE of this visitor. Kalat na ang kuwento ng aktor na kumbaga eh, nasama na lang sa mga lakad ng isang barkadahan dahil naipakilala rin naman siya sa itinuturing na benefactor ngayon ng nasabing grupo.

Sa mga sosyalan, rampahan here and abroad eh, madalas na nga silang nagkikita-kita.

Pero itong si aktor na hindi na nakaariba sa kinalalagyan niya eh, napansin ng mga kasama niyang may kakaiba palang ugali!

Sa ilang beses na kasi nilang pagbisita sa bahay ng kanilang benefactor, hindi raw ito mapigilan sa paggu-grocery sa bawat gamit na makita niya sa bahay na kumbaga eh, marami talagang supplies.

Mula sa mga gamit sa banyo—sabon, toothpaste, shampoo hanggang sa iba pa niyang makitang sobra-sobra eh, sige raw ito sa pagsasabing kanya na lang ang mga ‘yun at iuuwi na niya.

Nahihiya tuloy ang mga kasama niya kasi madalas na kasama pa niya ang girlfriend niya sa nasabing pagdalaw sa bahay ng mayamang kaibigan! Kahit pa sabihing okay ito sa nag-imbita, hindi naman daw ito okay sa mga kasama niya at baka isipin na lahat sila eh, gaya na niya!

( Pilar Mateo )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …