Aries (April 18-May 13) Bagama’t kailangan ang pakikipagkomunikasyon sa partner, hindi ito mainam gawin sa dakong umaga habang mainit pa ang sitwasyon.
Taurus (May 13-June 21) Ang pagpapasimula ng araw ay maaaring hindi maging produktibo.
Gemini (June 21-July 20) Ang pangalawang bahagi ng araw ay mainam para sa paglalaan ng panahon sa iyong personal na buhay.
Cancer (July 20-Aug. 10) Mainam ang araw na ito para sa pagtungon sa mga isyu sa pamilya.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Magiging masaya ano man ang daluhang mga pagdiriwang.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Magiging paborable ang financial aspect ng iyong buhay.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Hindi magiging komportable sa unang bahagi ng araw. Posibleng magkaroon ng sigalot.
Scorpio (Nov. 23-29) Kailangang ituon ang atensiyon sa kasalukuyang hawak na proyekto.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Huwag matatakot manindigan sa iyong argumento kung ito ang nararapat.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Posibleng maging matagumpay ang ano mang larangang iyong pasukin ngayon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Sa dakong umaga ay posibleng may maganap na gulo ngunit bahagya lamang.
Pisces (March 11-April 18) Posibleng magkaroon ng pakikipagtalo sa partner o miyembro ng pamilya.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hindi magiging matatag ang iyong emosyon bunsod nang dinadalang problema.
ni Lady Dee