Dear Señor H,
My npanaginip poh aku nang ahas na item (09480071698)
To 09480071698,
Kapag ikaw ay nanaginip ng hinggil sa ahas, ito ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.
Ang itim naman ay sumisimbolo sa unknown, unconscious, danger, mystery, darkness, death, mourning, hate o malice.
Señor H.