“SABI ng basher ko, baka raw ‘di gumalaw ‘yung silya, tingnan mo gumaan ako…dalawang beses umikot,” tumatawang pahayag ni Sharon Cuneta dahil first time na nangyari sa The Voice kids PH na umikot ang upuan ng 360 degrees.
Ang daming tawa sa nangyari kay Shawie pero kaaliw lang ang reaksiyon niya.
Super puri kami kay Sharon sa pagpasok niya bilang coach ng The Voice Kids dahil good choice siya. Alam niya ang sinasabi niya at ginagawa niya sa show. Kumbaga, nakahanap ang production ng higit pa sa nawalang coach. Bet namin ang pagiging humor at game niya sa show kahit magpalitan pa sila ni Lea Salong ang mga famous na dialogue sa mga pelikula niya. Nagmarka rin sa amin ‘yung sinasabi niya na hindi magugutom ang mga batang tuturuan niya dahil magdadala siya ng pagkain. Nakatitiyak din kami na marami siyang maituturo sa mga bata base na rin sa mga karanasan niya bilang isang mang-aawit.
Very positive ang feedback kay Sharon bilang bagong coach. Kayang-kaya niyang makipagsabayan kina Lea at Bamboo.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro