Tuesday , April 29 2025
Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang viral na person with disability (PWD)—ang nagsabing hindi pinilit o inabuso ang babae upang siraan si Mayor Vico Sotto ng Pasig.

Si “Ronnel” (hindi tunay na pangalan), na nakausap ng Radyo Inquirer Online, ay itinanggi na ginamit ang 57-anyos na babae ng kampo ni mayoral candidate Sarah Discaya upang siraan si Sotto.

Ayon kay Ronnel, kusang loob na pumayag ang babae na ma-interview ng isang lalaking vlogger na lumapit sa ilan sa mga nakapila upang kunan ng mensahe.

“Wala pong nangyaring pilitan. Choice mo naman po yun kung magpapa-interview ka o hindi, kung gusto mo o hindi. Wala pong sapilitan na nangyari,” aniya, at dagdag pa niya na nasa likuran niya ang naturang babae.

Sinabi rin niyang isa rin siya sa mga na-interview, ngunit hindi niya nakita ang video ng kanyang panayam na nai-upload sa anumang social media platform.

Aniya, wala silang natanggap na script at hindi sila tinuruan ng kahit sino kung ano ang sasabihin sa interview.

“Wala naman pong pamimilit eh. Ako po, tinanong ako kung pwede akong interview-hin. Marami kaming nandun na tinanong kung pwede kaming interview-hin. Hindi po ako naniniwala na may sapilitan na nangyari. Napakarami po (namin na nandun). May mga senior, may mga totoong PWD, na kasabayan namin. Napakaraming tao. Paano ka mapipilit? Siksikan, tabi-tabi kami,” dagdag pa niya.

Kwento pa ni Ronnel, sa oras ng panayam ay hindi niya inakalang PWD ang babae dahil normal itong kumilos at magsalita.

Ikinuwento rin niya sa Radyo Inquirer Online na siya at daan-daang iba pang residente ng lungsod ay nakapila para sa libreng bigas na ipinamamahagi ng “Team Kaya This” nang sila ay lapitan ng vlogger.

Aniya, unang tinanong ng vlogger kung may SGC ID sila—isang identification card na ipinapamahagi ng “Team Kaya This” sa mga Pasigueño upang magamit sa mga benepisyo tulad ng libreng serbisyong medikal at pagpapagamot sa ospital.

Dagdag pa niya, pumunta lamang siya sa lugar ng pamamahagi ng bigas matapos marinig ito mula sa kanyang mga kapitbahay.

“Wala naman pong nanghihikayat na pumunta ako dun,” aniya.

Ipinahayag ni Ronnel ang kanyang kalungkutan na binabatikos si Sarah Discaya dahil sa kanyang serbisyo publiko, sa halip na pasalamatan sa pagtulong sa mahihirap at mga kapus-palad na pamilya sa Pasig.

Hindi rin siya naniniwalang si Discaya at ang kanyang partido ang nasa likod ng kampanya upang siraan si Sotto, dahil mismong mga anak ni Sarah ay PWD rin.

“May anak din si Ate Sarah na PWD. Napakalabong gamitin ni Ate Sarah ang ganung sistema na napakaruming pulitika. Tumutulong siya mula sa puso tapos sasabihin gagamitin niya ang mga taong may kapansanan? Parang napakasakit naman nun para kay Ate Sarah na ikaw na nga ang tumutulong, ikaw pa ang napapasama,” aniya.

Sinabi naman ng “Team Kaya This” na handa silang makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente, at mariing itinanggi ang alegasyon na sila ang nasa likod ng umano’y propaganda laban kay Sotto.

Hinimok ni Ronnel ang kanyang kapwa Pasigueño na huwag basta-basta manira kina Discaya o sa sinumang tumutulong sa mga nangangailangan. Hinikayat din niya ang mga lokal na lider na palakasin ang mga programa para sa mga PWD, senior citizens, at mahihirap.

About hataw tabloid

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …