Wednesday , June 19 2024
RUBBER GATES BUSTOS DAM

Apela ni Fernando sa mga kontratista
RUBBER GATES NG BUSTOS DAM PALITAN NG MATAAS NA KALIDAD NG MATERYALES

MULING nakiusap si Bulacan Governor  Daniel Fernando sa mga kontratista ng Bustos Dam na huwag lamang kumpunihin ang nasirang rubber gates sa Bay 5 kundi palitan ito ng anim na bago at may mataas na kalidad ng materyales.

Sa kanyang pulong kamakailan, muling sinabi ni Fernando ang kanyang hiling.

“Dapat lamang palitan ang lahat ng rubber gate sapagkat hindi nasunod ang specification ayon sa nagpakasunduang materyales tulad ng nakasaad sa kontrata ng NIA. Bakit naman po mababang kalidad ng mga materyales ang ginamit sa rehabilitasyon ng Bustos Dam sa kabila ng malaking pondong inilaan dito?” ani Fernando.

Inihayag ng Gobernador, noong bumagsak ang mga rubber bladder sa kalipikasyon ng third-party testing ng isang kompanyang Australyano, lalo nitong pinatunayan na mababa at kulang ang kalidad ng mga materyales na ginamit.

Tinawag ni Fernando ang sitwasyon bilang “an accident waiting to happen” bilang pagsasaalang-alang sa mga pag-aaral at ulat na nagpapakita na libong buhay at bilyong piso ang nakataya rito.

Idineklara ng gobernador ang kasalukuyang kondisyon ng Bustos Dam na kahalintulad sa sanhi ng kamatayan ng limang tauhan ng Bulacan Rescue sa San Miguel na ayon sa police report ay “nalunod sila nang bumigay ang pader na nagpakawala ng rumaragasang tubig.”

“Hindi po ako titigil hanggang hindi natitiyak ang mga maliwanag at konkretong hakbang upang mabilisan at permanenteng masolusyonan ang problemang ito. Gusto kong makatiyak na ang Bustos Dam, at ang lahat ng ating dam sa lalawigan ay nakatutugon sa mahigpit na pamantayan ng kaligtasan,” dagdag niya. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

NAG-ALOK ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng scholarship sa 145 Navoteño elementary at high school …

TiboQC Federation Pride March QC Joy Belmonte

300 miyembro ng TiboQC lalahok sa Pride Month

MAHIGIT 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride March sa lungsod sa …

Lunod, Drown

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na …

dead gun police

Mangingisda patay sa pamamaril

PATAY ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng karagatan …