Monday , August 8 2022
Ma. Kristine Reaport

Bantang annulment ‘di nakayanan
MAGANDANG MISIS NAGBIGTI MATAPOS MAKIPAGTALO KAY MISTER

MAGANDA, sopistikada, mahusay na negosyante, sa madaling sabi malakas ang dating, ngunit hindi inakala ng kanyang mister na tatapusin nito ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti pagkatapos ng kanilang pagtatalo hinggil sa annulment nitong Miyerkoles ng gabi sa Quezon City.

               Naniniwala ang mister na si Raymond, ang kanyang misis, kinilalang si Ma. Kristine Reaport, 38, ay nagbigti matapos nilang magtalo hinggil sa planong paghahain ng annulment case sa kanilang kasal.

               Si Reaport, kilalang businesswoman, ay tubong Catanduanes at residente sa C. Benitez St., Brgy. Kaunlaran, Quezon City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 11:00 pm nitong 6 Hulyo, natuklasan ng mister na nakabigti ang kanyang misis gamit ang sinturon sa loob ng kuwarto ng kanilang tahanan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Nido Gevero, Jr., bago natagpuan ang nakabigting biktima ay nagkaroon ng pagtatalo sa kaniyang mister na si Raymond dahil nais umano ng lalaking maghain ng annulment case sa kanilang kasal.

Naging mainit ang pagtatalo ng mag-asawa hanggang pumasok sa kanilang silid ang biktima dakong 9:30 pm at nag-lock ng pintuan.

Ngunit nang ilang oras nang hindi lumalabas si Reaport sa kanilang kuwarto, nagtungo ang kaniyang mister at kumatok sa pintuan ngunit hindi aniya ito binubuksan ng misis.

Nakaramdam ng kaba si Raymond kaya kinuha niya ang master key ng kanilang silid at nang mabuksan ang pintuan ay bumungad sa kaniya ang nakabigting misis.

               Agad na inalis sa pagkakabigti ng mister ang asawa ngunit nang maibaba ay malamig na at hindi na humihinga dahilan upang humingi ng saklolo sa mga opisyal ng Barangay Kaunlaran na siya namang nagreport sa mga awtoridad.

               Ayon sa SOCO Team, sa pamumuno ni P/SMSgt. Federico Manzano, walang nakitang external injury sa biktima maliban sa marka ng sakal sa leeg sanhi ng pagbibigti.

               Walang nakikitang foul play ang mga awtoridad sa naganap na insidente. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

shabu drug arrest

P2.1-M shabu nasamsam 4 big time tulak timbog sa Pampanga at Bulacan

NADAKIP ang apat na pinaniniwalaang malalaking drug peddlers sa patuloy na pinaigting na kampanya laban …

Money Bagman

Instant milyonaryo
BULAKENYO TUMAMA SA LOTTO

NAGING instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa Balagtas, Bulacan matapos mapanalunan ang jackpot sa …

080522 Hataw Frontpage

Sa GenSan
6 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN 

ANIM katao ang namatay habang pito ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan …

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

GRABENG napinsala pero nakaligtas sa kamatayan ang isang 26-anyos lalaki nang tangkaing magpakamatay sa pamamagitan …

5 THINGS YOU CAN DO AT SM THIS CYBER MONTH
Great tech and gaming deals are coming your way this August!

Hey there, tech geeks! SM Supermalls is celebrating tech and innovation this August at the …