Monday , August 8 2022
Arrest Posas Handcuff

Top 6 most wanted ng Zambo
RAPIST NALAMBAT SA VALE

NALAMBAT ng mga awtoridad ang top 6 most wanted person (MWP) sa Zamboanga Sibugay dahil sa kasong rape sa kanyang pinagtataguang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Lt. Col. Aldrin Thompson ang naarestong suspek na si Marjun Mangubat, 35 anyos, residente sa Fortune 4, Brgy. Parada ng nasabing lungsod.

Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS), nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang impormante na naispatan ang akusado sa tinutuluyan niyang lugar sa Brgy. Parada.

Dakong 10:20 pm, bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni P/Lt. Magregalejo, kasama ang 5th MFC RMFB NCRPO, Buug MPS at Intel Operatives saka ikinasa ang joint manhunt operation kaugnay ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforecement Operation (SACLEO) na nagresulta sa pagkakaaresto kay Mangubat sa nasabing barangay.

Ani P/SSgt. Jonathan Garcia, dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 13 Pebrero 2019 ni Acting Judge Romeo T. Descallar ng Regional Trial Court (RTC) Branch 31, Zamboanga Sibugay sa kasong Rape at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …