Monday , July 4 2022
Arrest Posas Handcuff

Sa Norzagaray, Bulacan…
BIKOLANONG TULAK TIMBOG SA SHABU

Nadakip ang isang lalaki na mula sa Bicol sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Norzagaray, lalalwigan ng Bulacan, nitong Martes, 14 Hunyo.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, Jr., acting chief of police ng Norzagaray MPS, naglatag ang mga intel operatives ng nasabing police station ng drug buybust operation na nagresulta sa pagkaaresto ni ng suspek na kinilalang si William Gueriña, 33 anyos, tubong Bicol, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. FVR, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na nakatala ang suspek sa drug watchlisted ng Norzagaray at narekober mula sa kanya ang buybust money at dalawang paketeng plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.58 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P17,544.

Kilala ang suspek sa bansag na Bikolanong Tulak na kaslaukuyan nang nakakulong sa Norzagaray MPS Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …