Tuesday , October 3 2023

Etiquette for Mistresses, matagal nang type gawin ni Direk Chito

081115 kim claudine kris iza
THE secrets that they keep! Mula sa bestseller ng mahusay na manunulat na si Julie Yap Daza, matapos ang ilang taong paghihintay, naisalin ni direk Chito Roño sa pelikula ang Etiquette for Mistresses.

Sa kanilang presscon, nasabi rin ni direk na talagang ang isa sa karakter sa istorya eh, intended for Kris Aquino.

Sabi nga ni Kris, 14 years ago pa eh, gusto na itong gawin ni direk Chito. In fact, ilang beses na rin daw siyang kinausap for this. And after ilang pangungulit nga raw at pagsasabi sa kanya ng tita Malou Santos niya na magsisisi siya kapag hindi pa niya ginawa ito, kinausap na rin daw niya si direk. She only had to lay her cards on the table. Na being an endorser of products and services, her roles or characters in her movies should still instill family values to her audience. Dahil ang matuwid na daan pa rin daw ang kanyang ipino-promote.

Ang iba pang karakter na magpapapasok sa atin sa kanilang mundo ay gagampanan nina Iza Calzado, Kim Chiu, Claudine Barretto, at ang in-import pa mula Hayward, California, USA na si Cheena Crab.

On September 30, 2015-sa pagbubukas nito sa mga sinehan,sasabayan din ito sa mga time zone sa iba’t ibang panig ng mundo—sa US, Europe, at Asian countries.

PAPA FRANCISCO MOVIE, SA SEPT. 30 NA MAPAPANOOD

LIFE ang revolution! Pinagtiyap ba ng panahon na sa September 30 rin ang playdate ng pelikulang maglalarawan sa buhay ng ating kasalukuyang Santo Papa na si Francisco o Jorge Mario Bergoglio sa Papa Francisco katapat ang  Etiquette…?

Base sa aklat na isinulat ng Vatican correspondent at close friend ng Santo Papa na si Elisabetta Piquè ang matutunghayan sa pagsisimula ng buhay nito sa Buenos Aires, Argentina hanggang sa ihalal na siya bilang Santo Papa.

Iha-highlight dito ang kanilang love story ng isang Spanish journalist at ang dahilan kung bakit mas pinili na nito ang magsilbi sa Panginoon.

Matutunghayan din ang paghamon niya sa korapsiyon at abuso ng kanilang pamahalaan sa diktadurya.

Ito ay pagbibidahan nina Dario Grandinetti bilang Pope Francis at Silvia Abascal bilang reporter, mula sa direksiyon ni Beda Docampo Feijoo.

Ang pelikula is in Spanish with English sub-titles.

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Ashley Sandrine Yap Richard Yap

Anak ni Richard Yap magiging bahagi ng GMA News and Lifestyle program

I-FLEXni Jun Nardo HALO-HALO ang 48 artists na luma at bago, ang pumirma at naging …

blind item, woman staring naked man

Batas laban sa mahahalay na panoorin madaliin

HATAWANni Ed de Leon DAPAT nang bilisan ang pag-aaral ng Kongreso sa panukalang batas na …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea kalma muna bagong relasyon tiyakin

HATAWANni Ed de Leon WALA na bang masasabi ngayon si Andrea Brillantes kundi kung sinong lalaki ang …

Teejay Marquez

Projects ni Teejay Marquez sa Indonesia sumabit

HATAWANni Ed de Leon NOONG isang araw, kausap namin ang actor na si Teejay Marquez, na …

Lala Sotto MTRCB

Apela ng It’s Showtime ibinasura

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IDINENAY ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Motion …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *