|
Written by Hataw News Team
|
|
Saturday, 19 May 2012 02:39 |
NAGSIGAWAN ang fans nang ianunsyo ng host na si Ryan Seacrest ang top 2 contestant ng Season 11 ng tanyag na “American Idol” kahapon ng umaga (Manila time).
Ang crowd favorite na si Filipino-American-Mexican Jessica Sanchez ay kabilang sa top 2, ibig sabihin, siya ay lalaban sa final round sa susunod na linggo.
Si Sanchez, mula sa Chula Vista, San Diego, California, ay makikipagtunggali kay Philip Phillips, ang isa pang finalist.
Si Joshua Ledet ay na-eliminate dahil siya ang may pinakamababang boto.
|
|
Read more...
|
|
|
Written by A. Danguilan
|
|
Saturday, 19 May 2012 02:43 |
PATAY ang isang mag-ina sa naganap na sunog kahapon na tumupok sa isang gusali ng UP Bliss at 40 pang kabahayan sanhi ng ilegal koneksyon ng koryente kahapon ng tanghali sa Bgy. San Vicente, Quezon City.
Natagpuan ang bangkay ng mag-inang sina Felicidad at Judy Ann Subido sa loob ng banyo ng kanilang bahay.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, unang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Claudio Delda sa #24F Lourdes St., Bgy San Vicente sa lungsod.
Ayon kay Quezon City Fire Marshall Supt. Bobby Baruelo, lumiyab ang linya ng koryente sa nasabing bahay na siyang naging dahilan ng sunog.
|
|
Read more...
|
|
Written by Jerry Sabino
|
|
Saturday, 19 May 2012 02:44 |
NAGPROTESTA ang grupo ng mga kabataan sa harap ng Pasay City Hall upang hilingin kay Mayor Antonino Calixto na huwag payagan ang concert ni Lady Gaga sa Mall of Asia sa Pasay City. (JERRY SABINO)
|
|
Written by HNT
|
|
Saturday, 19 May 2012 02:47 |
|
MAKARAANG ulanin ng batikos, ipinagtanggol ng isang Obispo si eight-division world champion at Saranggani Rep.Manny Pacquiao kaugnay sa pagtutol sa same-sex marriage.
Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, ang pahayag ni Pacman ay pagsunod lamang sa sinasabi ng Bibliya na ang pag-aasawa o pagpapakasal ay sagradong pagsasama sa pagitan ng babae at lalaki at hindi ng magkaparehong kasarian.
Naniniwala rin ang obispo na magiging mabuting halimbawa si Pacquaio sa mga mananampalatayang Katoliko sa pagtatanggol sa kasagraduhan ng kasal, buhay at pamilya.
Ipinaliwanag pa ng Obispo na malinaw naman sa pahayag ni Pacquiao na hindi siya galit sa third sex kundi sa same-sex marriages lamang.
|
|
Written by Jerry Yap
|
|
Saturday, 19 May 2012 02:47 |
HINDI lang po ang inyong lingkod...
Marami talaga ang nagtataka kung bakit umabot ng 82 ang dollar bank accounts ni Chief Justice Renato Corona.
Batay sa dokumentong iniharap ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ang 82 dollar accounts ni Corona ay binuksan sa limang banko na may kabuuang $10 milyones deposito.
Batay din umano sa ulat na ibinigay kay Morales ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), mayroong significant deposits and withdrawals na ginawa si Corona.
Ani Morales, “There were significant deposits and withdrawals on very significant dates – during the 2004 and 2007 elections as well as the week he was impeached – December 12, 13, 15, 19, 20, and 22, 2011 ...”
Matatandaan na si Corona ay na-impeached sa House of Representatives nitong nakaraang December 12, 2011.
Noong araw na iyon, ini-terminate ni Corona ang kanyang $418,193.32 time deposit.
Inidagdag niya ito sa kanyang BPI account sa San Francisco, del Monte pero ang $417, 978.80 ay inilagay sa regular fund placement.
Noong 2003, isang taon bago siya maitalagang chief justice ay isa lamang ang dollar account ni Corona.
Ngunit noong 2004, nagbukas is Corona ng 13 pang dollar accounts; nagdagdag ng 9 accounts noong 2005 o kabuuang 23 dollar accounts mula 2003 hanggang 2005.
Noong 2006 naman nagdagdag pa ng 12 dollar accounts; 35 accounts noong 2007 at 14 accounts noong 2008.
Mula sa 63 accounts, nakapagbukas pa si Corona ng 12 accounts noong 2009 at anim pa noong 2010.
Noong 2011, mayroon na siyang 81 dollar accounts hanggang dinagdagan pa niya ng isa kaya naging 82.
Ang dollar accounts ni Corona ay nakakalat sa buong bansa: eight accounts sa Bank of the Philippine Island (BPI) sa Acropolis, San Juan; 18 accounts sa BP1-Tandang Sora; 34 sa San Francisco, del Monte; isa sa BPI Management Investment Corp.; walo sa Philippine Savings Bank (PSBank) sa Cainta; anim pa sa PSBank, Katipunan; apat sa Allied Bank Corporation; isa sa Citibank; at dalawa sa Deutsche bank.
Ayon kay Commission on Audit Commissioner Heidi Mendoza,na pinakiusapan ng Ombudsman para magsalita, ang total “inflow” ng Corona’s dollar accounts ay umabot sa $28.740 million mula April 2003 hanggang o December 2011.
‘Yan po ang detalye ng dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.
Pero wala po tayong makitang LOHIKA kung bakit niya ginawa ito.
Bakit kailangan niyang magbukas nang ganoon karaming dollar accounts na nasa kanyang pangalan.
Ililipat sa ibang banko ... after several months withdraw na naman ... o baka naman short term time deposit para kumita ang kanyang dolyares?
Pero sabi nga, ang lahat ng ‘yan ay siya lamang ang nakaaALAM. Abangan na lang natin kung paano niya ito ipaliliwanag sa Mayo 22.
Tutukan po natin!
Hao-Shiao CIDG, naghahasik ng lagim sa mga clubs (Attn: Gen. Sammy Pagdilao)
DALAWANG hao-shiao na nagpapakilalang ahente ng PNP-CIDG ang inirereklamo sa atin.
Itong sina alyas KRIS at KUMAR na UMAASTANG CIDG ay umiikot sa mga niteclubs.
Iba ang lakad ng dalawang kamote. Gabi-gabi umiinom nang libre, namumulutan at nambabae. Lahat ‘yan LIBRE!
Ang parating PANAKOT ng dalawang kamote ay ipare-raid daw nila at ipasasara ang club na papalag sa kanila.
Gasgas na gasgas na nga ang OBC ng CIDG at pangalan nina Col. Cabatingan at Col. Samala sa katarantaduhan ng dalawang ‘yan.
Col. Cabatingan, Col. Samala, NAGMAMALASAKIT LANG PO AKO SA INYO ... kung hindi naman n’yo talaga bata ‘yang mga ‘yan ‘e mabuti pang KALUSIN n’yo na agad!
Sonabagan ... hao-shiao CIDG!
Happy Fiesta Tambunting, Sta. Cruz, Maynila
HAPPY Fiesta (MAy 19-20) po d’yan Sona 4-5, Tambunting, Sta. Cruz, Maynila sa pangunguna ng BUKLURAN NG PAGKAKAISA na pinamumunuan ni Manuel Pimentel bilang presidente. Nakikiisa po sa inyong pagdiriwang ang ALAB NG MAMAMAHAYAG!
MABUHAY po kayong lahat d’yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com
|
|
|
|
|
|
|
Page 1 of 2 |